Martes, Disyembre 30, 2014

Thank you for the broken heart

Everything I know about love I learned from you, from you
And everything I know about pain I learned from you, from you
You were my only, You were my first
You showed me lonely, and you took me in when I was hurt
But the most important thing you ever gave me, 
You was the one that hurt the most


So thankyou for the broken heart, oh yeah
And thankyou for the permanent scar
Cause if it wasn't for you
I might forget, how it feels to let go
And how it feels to get a brand new start
So thankyou for the broken heart

I still remember when you called
And said that he didn't admit anything
How could you expect me to look at you the same way
You were my only but not my last
You showed me lonely, and you made me put you in the past
The most important thing you ever gave me was the one that hurt the most

So thankyou for the broken heart, oh yeah
And thankyou for the permanent scar
Cause if it wasn't for you
I might forget, how it feels to let go
And how it feels to get a brand new start
So thankyou for the broken heart

And everytime I find myself alone in pieces
I find myself I'll just remember when you hurt me and I made it

So thankyou for the broken heart
And thankyou for the permanent scar
Cause if it wasn't for you
I wouldn't be here, With the love of my life all my pain disappear
I've come so far
So thankyou for the broken heart
I thankyou, I thankyou
For the broken heart
Oh yeah oh, Broken heart...



Nagandahan lang ako sa lyrics nito. 

365 Days

            "Do you think this year is your best year"
                    --- Boy Abunda to Alex Gonzaga
            Hindi ko alam kung paano sisimulan ang post na ito. Kung paano ko ikukuwento ang buong taon. Kung paano ko nanamnamin at aalalahanin ang mga nangyari sa nakalipas na tatlong daan animnapu't limang araw. Kung paano magkakasya lahat sa isang post na ito. Kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng blessings na natanggap ko Kung paano ko sasagutin ang ganiyang tanong. Kung paano ko mapapatunayan na naging masaya ako. Kung paano? Siguro'y ganito na lang. 
            Humiling ako sa Kaniya na sana ay maging maayos ang buong taon ko na ito. Hindi naman sa hiniling ko na walang problema pero hiniling ko na sana ay magkaroon ako ng lakas at kakayahan para lagpasana ang mga ito. Kung susumahin, ay walang mabigat na problema ang dumating. Kung baga, keribels lang ang lahat. Nalagpasan ko ang lahat. Oo, bata pa ako para sa mga salitang iyan. Kung may nakakakilala sa akin ay parang wala sa bokubularyo ko yan. Oo! Dahil mas pinipili kong 'wag ipaalam sa mga taong nakapaligid sa akin ang mga problema ko. Pero, uulitin ko, hindi ganoon kabibigat ang mga dumating sa akin. Nagpapasalamat ako sa Kaniya. Siya na dapat purihin at pasalamatan!. 
            Dumating na ang panahon na kailangan ko ng pumasok bilang nasa ikaapat na taon sa hayskul. At ito na, humiling ako na maging masaya sa huling taon ko. Maging masaya lang ay ayos na ako! At higit pa doon ang binigay Niya! Sa loob ng halos pitong buwan na nilalasap  ko ang biyaya at "answered prayer" ko mula sa Kaniya, ay naging sobrang saya ko. Maligaya pa nga! Dumating ang mga kaibigang mas nagbigay kulay sa mga buwan na ito. Ang mga "first time" ay nagawa ko. Di ko man maiisa-isa ay hindi naman mawawala yon sa isipan ko. Masaya!- Sobrang saya! Ang makabilang sa isang organisasyong pampaaralan ay isang blessing. Bonus pa ang maging isa sa mga opisyal nito. Sa loob ng ilang buwan na iyan ay nagawa ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Nagawa ko ang magsulat at magsulat na siyang gustong- gusto kong gawin. Oo, masaya. 
             Syempre, hindi mawawala ang mga pangyayari sa loob ng tahanan namin. Mga pangyayari at kaganapang mas nagpatibay sa pagsasama namin sa loob ng tahanan na iyon. Masaya. Salamat muli sa Kaniya. 
             Hindi ko man masasabi na ito na ang best year ko, pero isa ito sa pinakamasayang taon ko. Salamat sa mga taong nagbigay kulay sa taong ito. Salamat sa mga taong nagtiwala sa akin. At higit sa lahat salamat sa Kaniya.

Biyernes, Disyembre 26, 2014

Wala sa listahan ng maaaring matanggap

              Salamat sa Regalo :)))
Yung inaasahan ko na one year supply ng papel sa kaniya ay hindi pala. Yung buong akala ko ay one box ng ballpen ang reagalo niya ay hindi rin pala. Dahil higit pa dun ang ibinigay niya. Higit pa sa mga inaasahan ko ang matatanggap ko. Isang bagay na mas na-appreciate ko. Dahil hindi ko inaasahan na makakapunta siya, hindi ko inaasahan na mag-uubos siya ng oras kasama kami. Na, sa kabilang ng pagiging abala niya ay hindi siya nag-alangan na pumunta. Salamat para dun! Salamat sa regalong higit pa sa hinihingi ko!. Ang Isang maliit na notebook, friendship bracelet at higit sa lahat ay ang effort na pumunta at bumili ng mga bagay na yan ang sobrang ipinagpapasalamat ko!. Hindi rin pwedeng makalimutan ang mga tawanan at pictures pagtapos kumain. Naging mas masaya ang kapanganakan Niya dahil sa pagdating nila. 

Lunes, Disyembre 22, 2014

Ano ba?

           Nag-iisip ako ngayon kung ano ba ang dapat kong i-post? Yung tungkol ba sa karanasan ko o kahit ano na lang? Nahihirapan akong isipin kung ano ba ang nababagay na i-post sa mga panahon ngayon. Malamang karamihan ay tungkol sa Pasko ang ilalagay o kaya naman ay tungkol sa bagong taon. E, parang pangkaraniwan naman ata kung ganoon din ang ilalagay ko. Ano nga kaya? Mahirap talaga ang gumawa agad ng isang post nang wala kang nakahanda at kokopyahin mo na lang. At nararanasan ko na nga iyon. Mahirap dahil hinahabol ko na lamang ang mga salitang binabanggit ng aking utak. Mabilis siyang mag-isip at nahihirapan akong i-type ang mga sinasabi niya na kung minsan ay hindi na niya pwedeng balikan pa. Kung kaya't ang resulta ay hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang dapat kong isulat. Sa kabilang banda ako na rin siguro ang dapat na tumuklas noon, pero paano? hindi ko talaga maisip sa ngayon. Siguro'y wala ako sa wisyo ngayon, siguro'y sabi nga sa palabas na Dream Dad ay baka hindi pa tama ang panahon. Tama nga siguro, yun na nga! Hindi pa ngayon ang tamang panahon para makapag-isip ako ng dapat kong isulat. ang maganda siguro'y matulog muna ako at hayaang makapagpahinga ang aking utak. :)

Sabado, Disyembre 13, 2014

Taglay nating Lahat

Kahinaan.

     Ang bagay na matagal ko ng sinasaliksik at hinahanap. Matagal na ang pananabik kong malaman kung ano ang aking kahinaan. kung ano ang magpapakaba nang matindi at magpapahikbi sakin. Alam kong dapat matagal ko na itong alam. Ngunit hindi, kamakailan ko lang nadiskubre. Kung saan naramdaman ko ang lahat, napahikbi, makailang ulit na napabuntung-hininga, at kinabahan nang malala. At doon ko napagtanto ang lahat. Alam ko na kung ano ang kahinaan ko. Ito na nga marahil iyon. Hindi ko kaya ang mag-isa. Ayoko ang mag-isa. Hindi ako sanay sa pag-iisa.
      Sa mga oras na iyon ayokong ipakita ang takot at kahinaan ko. Ayokong umiyak sa harapan ng isang tao. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya kahit gustong-gusto ko na ang lumuha. Ang nasabi ko na lang ay "naiinis ako". Pariralang alam kong naguluhan siya kung ano ang ibig sabihin. Naiinis ako dahil nalaman ko na kung anong matagal ko ng gustong malaman. At ito ang kinaiinisan ko, gusto ko siyang malam ngunit ayaw kong maranasan. Ayaw kong ipakitang natatakot ako nung mga panahon na iyon. Ang gusto ko lang ay bumilis ang oras ang matapos na ang mga sandaling iyon. Gusto kong mawala na sa ganoong sitwasyon kung saan wala ako sa tabi ng mga taong komportable ako. Wala ako sa tabi ng pamilya ko. Mahirap, ngunit kailangan kong hinitayin ang oras na tila nang-aasar at parang mas bumagal pa.
         Hanggang dumating na nga ang panahon na kung saan iiwan ko na ang ganoong sitwasyon. Iiwan ko na ang ganoong pakiramdam. Kung saan magmumukhang normal ulit ang lahat. Kung saan hindi ko ramdam ang ganoong pakiramdam. Sa ganitong panahon, makakatawa na ulit ako, makakausap na ako nang matino. At makakahinga na ako nang maayos, maluwag at walang kabang haharang dito. Sa wakas at natapos ang mga oras na iyon.
        Alam kong muli kong mararanasan yon!. Pero sana bago yun ay malagpasan ko muna ang ganoong pakiramdam, At sana matuto akong mag-isa. Dahil mukhang iyon ang gustong iparating sakin ng karanasan kong iyon. Nais saking ipagtanto ng buhay na hindi ko laging makakasama ang mga taong malapit sakin(ang pamilya). Hindi ko sila laging makakapitan. Sana matutunan ko na ang ganitong bagay at mapag-aralan ang mag-isa sa buhay.
        At sa taong nakasama ko sa panahong iyon, pasensya na, hindi lang ako sana'y sa ganoong sitwasyon, hindi ko lang alam kung paano haharapin ang ganoong sitwasyon, wala akong sapat na karanasan para malaman kung tama pa ba ang ginagawa ko. Muli, pasensya na.

Lunes, Disyembre 1, 2014

Komplikado

Buhay.
      Isang gawain ang nakapukaw ng atensyon ko kanina habang may hinihintay kami bago ang pag-uwi. Isang gawaing hindi na sana mangyayari pa kung simple lang ang naging pananaw niya. Isang gawaing nagpakomplikado ng lahat. Na sumayang sa mga panahong sana'y nakapaglakad na kami pauwi. At sana'y nasimulan na ang lahat ng mas mahalagang gawain. Ito ay ang pagsadya niyang pagkuha ng halos kalahating oras sa amin para sa kaniyang gawaing hindi na sana pa magiging mahirap kung nung una'y napaskil na niya sa harapan ang kailangang iwasto sa aming takdang-aralin. May mga gawain pa kasi siyang pinakomplikado. 
       Ganito  ba talaga ang buhay ng tao?. Komplikado ang desisyon, gawain, at pananaw?. At ang lahat ng bagay ay hinahanapan ng mahirap na paraan? Naalala ko tuloy ang isang bahagi sa kanta ng isang rapper ngunit hindi ko tanda ang pangalan. Aniya "mahirap pero posible kung ang lahat ng bagay ay gagawin mong simple". Tumatak sakin ang litanyang ito na para bagang may tama siya at ganito halos ang sitwasyon sa ibabaw ng mundo. Ang tao ay nandiyan na at nag-iisip nadiyan na't binigay na ang solusyon ay maghahanap pa ng mas inakala nilang magandang solusyom. Hinahanap pa nila ang mas komplikado gayoong nandiyan na naman ang simpleng paraan. 
       Kung sana'y ang isip nati'y nagawa bilang mag-isip ng tama ngunit payak ay mas magiging simple ang magiging desisyon natin. At ang lahat ng gagawing bagay ay nasa simpleng pamantayan lamang. At ang mga problemang siya ring gawa natin ay maiiwasan. Kung sana ang lahat ng sana ay natutupad ay mas magaan. :D