Ngayong araw ay nagkaroon kami ng pag-uulat ng bawat pangkat. Sa bawat pangkat ay ipinaliwanag ang mga nakatalagang saknong sa kanila .
Naipaliwanag naman nila ng maayos . Ang tula ay tinalakay namin ng mas malalim at inunawa ang tunay na kahulagan ng bawat pahayag ng anak sa kaniyang ina.
Mga sey sa buhay ng may akda; at mga karanasang hindi man lahat kapupulutan ng aral pero kaaaliwan.Paalala: Ang blog na ito ay bukas sa mga komento papuri man o hindi. Ang mga komento ninyo ay makakatulong sa pagpapa-unlad ng pagsusulat ng may akda.
Biyernes, Enero 31, 2014
TALAARAWAN: ika-13 ng Enero; 2014
Ngayong araw ay si Sir Mixto muna ang nagbantay sa amin . Nagpaskil siya ng tulanag ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus. Kinopya namin ito at pagkatapos ay sasagutan namin ang mga tanong na isinulat ni Sir at ipapasa bukas.
Maya-maya'y dumating ang tunay naming guro na kung saan napansin niya na may ilan sa amin ang walang ginagawa. Napagdesisyunan tuloy ng aming guro na ipapasa na lang ang ngayon ang mga sagot sa tanong. Sa pagsagot ko sa mga tanong ay napagtanto ko na napakaganda ng tulang ito. patungkol ito sa pagmamahal ng anak sa kaniyang ina na sa palagay ko at pagkaunawa ko ay malapit ng pumanaw.

Ang Pamana
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”
Pinagkuhanan:http://sulyapsayaman.blogspot.com/2008/12/ang-pamana-ni-jose-corazon-de-jesus.html

Huwebes, Enero 9, 2014
Talaarawan: ika-1 ng Enero; 2014
Happy New Year!
| Source: http://www.newyear-2014.net/28/new-year-greetings/ |
Ngayong araw ay alas 8:00 na siguro ako nagising/ Pagkaraan ng ilang oras ay dumating ang lolo NArding ko. Nagkantahan kami sa bahay. Mga alas 2:00 ng hapon ay nagyaya ako sa mga kapatid ko na pumunta sa Sta Lucia East. Doon ay naghati-hati kami para makanood ng pelikula sa sinehan.
Ang pinili naming panoorin ay ang Pagpag,siyam na buhay nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Tampok dito ang ilan pa sa mga mahuhusay na aktor gaya nila Shaina Magdayao at Paulo Avelino.Kwento ito ng mga Magbabarkada ni Daniel Padilla at ang pamilya nila Kathryn at Paulo.Nagkita-kita sila sa isang burol at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay ng buhay nila dahil hindi sila sumunod sa pamahiin at hindi rin nagpagpag. Nakakatakot ang palabas na ito pero nag-enjoy kami ng mga kapatid ko.
Talaarawan: ika-31 ng Disyembre; 2013
Mga pamahiin tuwing Bagong Taon sa amin
Ngayong araw ay inihahanda na namin ang mga pagkain sa darating na bagong taon. At taon-taon ko ding napapansin ang mga sumusunod kaya itinanong ko kay mama kung para saan sila.
1. 12 bilog na prutas- para sa swerte sa labing dalawang buwan o taon.
2. 12 kandilang puti- para sa buong taon ay walang mamamaalam.
3. 12 itlog na binalaot sa papel de hapon- para sa pampaswerte din.
4. Pansit o pasta- para sa mahabang buhay.
5. Ang rosas na inilagay sa isang baso ng tubig at saka iinumin ang tubig kapag bagong taon na- para sa matibay na pagmamahalan.
6. 12 ubas- para sa mga nagtatrabaho sa pamilya
7 Mga kakanin- para laging dikit ang pamilya at swerte.
8. at higit sa lahat hindi kami nagluluto ng manok- para sa buong taon ay hindi isang kahit isang tuka gaya ng manok.
7 Mga kakanin- para laging dikit ang pamilya at swerte.
8. at higit sa lahat hindi kami nagluluto ng manok- para sa buong taon ay hindi isang kahit isang tuka gaya ng manok.
Talaarwan: ika-30 ng Disyembre; 2013
Ngayong araw ay pumunta kami nila mama sa Marikina. Namili kami ng mga sangkap ng pagkain na ihahanda sa bagong taon. Namili kami ng mga prutas, kakanin, karne atbp. Nakakatuwa dahil pagdating namin sa hele-helerang tindahan ng mga prutas ay amoy na amoy ang mangga. Ito ata ang pinakamaraming tinda sa bawat tindahan doon.
Pagkatapos namin halos malibot ang buong Marikina ay nagpahinga muna kami sa may sakayan ng jeep . Nang may sasakyan na papuntang Pagrai ay agad kaming sumakay at doon sa biyahe kami lubusang nakapagpahinga. Nakakapagod, pero sulit dahil nandoon naman ang lahat ng hinahanap namin.

Talaarawan: ika-29 ng Disyembre; 2013
Pompoms
Ito ang isa sa mga tsitsirya na mula noon hanggang sa ngayon ay itinitinda pa rin. Matatawag itong crowd favorite ng mga Pilipino. Kumbaga sa basketball team, ito ang Ginebra.
| source: http://mrfunanimous.wordpress.com/2013/01/31/junkfood-nostalgia-pinoy-classic-chichirya/ |
Sa pagkakatanda ko, mula ng mamulat ako sa pagtitinda ay isa ito sa mga tinitinda namin nila mama. At nang matuto akong maili ng paninda ay isa naman ito sa mga palagi kong binibili.
Ngayong araw ay nagtanong ako sa kapitbahay namin na suki namin sa pagbili ng pompoms. Tinanong ko ito kung masarap ba ito at kung paborito niya ito. Ang sagot niya" Oo naman mula pa noon paborito na namin ito e,"Nakakatuwa na sa mahabang panahon ay binibili at kinakain nila ito.
Miyerkules, Enero 8, 2014
Talaarawan: ika-28 ng Disyembre; 2013
Ngayong araw ay nanood kami ng Hunger Games: catching fire. Habang nanonood kami ay nanlibre naman si mama ng mga snacks para mas masarap ang panonood namin. Nang matapos namin ito isa lang ang nabanggit namin: Bitin!. Nakakabitin kasi ang kwento dahil pinutol na ng maligtas ang dalawang bida tapos pagkagising ng bidang babae ay nawala na ang bidang lalaki.( di ko na papangalanan)
Kung gusto niyong malaman ang nangyari, e di panoorin niyo. Haha, biro lang. Pero try niyong panoorin na kasama ang pamilya niyo baka ilibre din kayo ng mama niyo. (haha)
Kung gusto niyong malaman ang nangyari, e di panoorin niyo. Haha, biro lang. Pero try niyong panoorin na kasama ang pamilya niyo baka ilibre din kayo ng mama niyo. (haha)
Talaarawan: ika-27 ng Disyembre; 2013
Laba- laba din
" Ang dami ng labahan namin"- yan ang madalas ireklamo sa atin ng mga magulang natin . Pero sa amin si ate ang laging bumabanggit niyan. Kaya ngayon ako naman ang naglaba-naglaba ako ng mga uniform ko kasi malapit na pala ang balik- eskwela.
Habang naglalaba ako ay may naalala ako, nga pala madami pa pala akong gagawin at aayusing mga proyekto. Inalala ko ang lahat ng mga gagawin ko at pagkatapos kong maglaba ay isinulat ko ito sa kapirasong papel at idinikit sa may pinto ng ref namin.
Nakakatulong pala ang paglalaba para maalala ko ang lahat ng gagawin ko e. Buti na lang pala naglaba ako. Kayo? Laba-laba din.

Talaarawan: ika-26 ng Disyembre; 2013
| source: http://angkahayag.blogspot.com/2012/10/kaban-ni-atty-j-b-jimenez-mananoy-nga.html |
Something Musical
Mukhang nahuli ang exchange gift namin nila kuya a.
Ngayong araw ay namasyal kami ng mga kapatid ko, Pumunta kami sa isang mall upang bumili ng regalo para kay mama. Habang naghahanap kami ng pwedeng iregalo kay mama ay may nakita akong isang gitara at agad kong tinanong kung magkano ito. Nang masabi na ng nagtitinda kung magkano iyon ay nalaman kong kulang pala ang pera ko kaya dinagdagan na lang ni kuya. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paghahanap ng regalo, hanggang sa maisip ni ate na hikaw na lang ang bilhin namin para kay mama. Nagpunta na kami sa stall ng unisilver at pumili ng hikaw para kay mama. Pagkatapos namin makapili ay sabi ni kuya ay pumili na rin daw si ate .
Bagama't nakakapagod ang pamamasyal namin ay napakasaya naman. Dahil halos lahat ng miyembro ng pamilya namin ay may regalo galing kay kuya isa lang ang nasambit ni mama "Mukhang nahuli ang exchange gift este pamimigay lang ni kuya ng regalo."-"
Talaarawan: ika-25 ng Disyembre
| source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=543703&page=244 |
Araw ng Pagbibigayan
Maligayang Pasko! Ngayong araw paggising ko ay agad kong binati ang mama ko. Sinundan ng pagbati ko sa ibang miyembro ng aming pamilya syempre kasama doon ang aso ko.Pagbukas namin ng aming tindahan ay agad kaming sinalubong ng mga batang inaanak nila mama. Nagmano sila kay mama at papa at binati ng maligayang Pasko. Grabe nakakatuwa sila.
Maya-maya ay dumating naman ang mga kamag-anak namin. Para na rin kaming nagreunion sa sobrang dami ng pumunta. Nakakatuwa dahil nagkita ulit kami ng mga pinsan ko. Nagkantahan kami. Pagdating ng gabi ay umuwi na rin sila, pero sulit naman ang pagpunta nila sa amin at syempre dahil naging sulit ang pagkikita-kita namin.
Pag-alis nila ay may dumadating pa ring mga inaanak nila mama. Pero ang pinakagusto kong parte ay yung binigyan ni mama ang mga bata sa amin ng kaunting regalo at tuwang-tuwa sila. Tunay nga talaga na ang Pasko ay ang araw ng pagbibigayan.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)