Biyernes, Disyembre 27, 2013

TALAARAWAN: ika-4 ng Disyembre; 2013

   Nakakainis Ang Pagpag
        Ang Pagpag ay isang nakakatakot na pelikula na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ipapalabas sa December 25. Para sa lubos niyong kaalaman , ako yung tipo ng tao na mahilig sa katatakutan na palabas pero ayaw na nag-iisa pagkatapos o habang nanonood nito.


       Nakakainis ang Pagpag dahil ngayong araw pagkauwi ko ng bahay ay umalis sila mama at ako na lang ang naiwan sa bahay at nanood ng telebisyon. Habang nanood ako ay bigla ba namang nagsalita ang isang bat doon sa pelikula ng " sino yang kasama mo? hindi ka kasi nagpagpag eh" hindi ba nakakagulat? Pinatay ko tuloy ang t.v. namin.
        Ang nararamdaman koi ay normal at dapat na maging reaksyon ko sa bawat mapapanood kong nakakatakot. Nagtagumpay ang trailer ng pelikula dahil nakuha nito ang atensyon ko kasabay ng sindak at inis na naramdaman ko.

pinagkuhan ng larawan: https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&docid=YZhSBE2sBNV75M&tbnid=L1VKRPpv2pJE7M:&ved=0CAUQjRw&url=http%3A%2F%2Felysplanet.com%2F2013%2F12%2F26%2Fmmff-2013-pagpag-movie-review%2F&ei=6WTDUobeC8qhiQfb6oGADQ&bvm=bv.58187178,d.aGc&psig=AFQjCNH4tqQsCEwRBZKZmcriyOIuuQ2rsw&ust=1388623427243300

TALAARAWAN: ika-3 ng Disyembre

 Bakit Ang Gulo-gulo ng 3-1 Kapag Last Subject?


    Ang Section 1 ay itinuturing na pinakamagaling, pinakamatalino, at may disiplina at kung 3-1 sa buong 3rd year level. Pero bakit napakagulo ng 3-1 kapag last subject? Kung ako ang sasagot ito ang agiging sagot ko- dahil sa lahat ng turing at tingin sa kanila ay taglay nila maliban sa isa, ang disiplina. 


                   Sabi nila ang anumang talino ay walang kwenta kung wala kang disiplina.Dahil sa paglabas mo sa tunay na mundo hindi ang talino at marka mo ang ipapakita at mapapansin sa iyo kundi ang disiplina at pakikipagkapwa-tao mo.\

pinagkuhanan ng larawanhttps://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&docid=ouPjrZFLSKiZrM&tbnid=Fidh_g-OmebgsM:&ved=0CAUQjRw&url=http%3A%2F%2Fjuliusabante.wordpress.com%2Fcategory%2Fschool%2F&ei=NmPDUuGoKomCiQeGiIDADA&bvm=bv.58187178,d.aGc&psig=AFQjCNEbLIACVjHseGJKQ-8zturNXRUwVQ&ust=1388622942664390

TALAARAWAN: ika-2 ng Disyembre

                                Miss ko na si Kim
            Si Kim o Kim April Fernandez ay isa sa mga kaibigan at kaklase ko. Lumiban siya sa klase namin ngayon. Makailang-ulit ko at ang iba ko pang kaibigan nabanggit ang ''miss ko na si Kim''.
           Sa bawat magkakaibigan mahalaga ang palaging magkasama at buo . Nakakatuwa dahil sa aking palagay ay makailang ulit niya rin sigurong nakagat ang kanyang labi.
           Sa kailang banda naging maayos naman ang talakayan namin sa bawat asignatura. Sa asignaturang Filipino ay naging tumpulan ng tukso ang aking kamag-aral. Kung bakit? Iyan ay isang mahalagang sikreto.Hulaan mo.  

Banyaga ni (Liwayway A. Arceo)

                                                     Banyaga 
                                          (Liwayway A. Arceo)


Mukhang artista! Artista nga ba? Artista?

Mula nang dumating si Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit isang taon; kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang (wala nang kumikibo) wari ay nababasa niya sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya.

- Serbesa ba ‘kamo bata ka, ha?

Ngumiti siya, kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinugtong niya ang paliwanag, hindi naman masama ang amoy, Nana. 

Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi maikaila sa kanya ang pagtugon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan nito na may gilit upang makahakbang siya.

- Ibang-iba na ngayon ang…lahat!… at naulinigan niya ang buntung-hininga na kumawala sa dibdib ng matanda niyang lola.

Napangiti siya. Alam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ama na sa pagkakaalam niya ay hindi naging maligoy minsan man sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Ate Sedes. At ng kanyang Insong Edong, ang balo ng kanyang Kuya Mente. At ang kanyang apat na pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang nakatoreador ng itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may taling bandana, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mga kukong mapula sa paa, na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.

- Sino kaya’ng magmamana sa pamangkin mo… matalino.

- Sinabi ko naman sa Inso…Ibigay na sa akin…papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa naman ako. Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon… kung natakot ako sa iyakan…Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

- E..oo nga… Walang anu-ano’y ayon ni Nana Ibang - Tigas nga namang iyakan nang lumuwas ka…

- Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako nakakasigurong kaya ko ang eksamen?

Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping panyolito sa kanyang batok. - Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras ang sabi ni Duardo na susunduin ka?

Alas tres daw. Hanggang ngayon ba’y ganoon dito? At napangiti siya. Alas tres o alas singko. Alas kwatro na, ah! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika…

- Naiinip ka na ba? agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinasabi.

- Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ang salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik ngayon sa Maynila.

- Ano? K-kahit gabi?

Napatawa si Fely. –Kung sa Amerika… nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa Maynila pa? Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas? Ang totoo…

Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni Nana Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina. Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.

- Ayan naman ang kubyertos…pilak ‘yan… -hiyang-hiya na sabi ng kanyang hipag. –Yan ang uwi mo…noon…hindi nga namin ginagamit…

Napatawa siya. – Kinukutsara ba naman ang alimasag?

Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbagong-loob, di sana’y nalitson ang biik sa silong. Kasi…sabi…hindi ka raw darating…

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niyang ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niya matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagsipagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan.

Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.

- Sa kotse na, ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya sinabi: Baka ako masilat… Baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.

Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napakunot ang noo niya.

- Ako nga si Duardo!

Pinigil niya ang buntunghiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas na hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.

- Bakit hindi ka rito? tanong niya? Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. May presidente ba ng samahan na ganyan?

A…e…-Hindi kinakailangang makita niyang nakaharap si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng labi. A… Alangan na ‘ata…

Tumigas ang mukha ni Fely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagsisipagtapos.

- Natutuwa kami at nagpaunlak ka… Walang anu-ano’y sabi ni Duardo. Dalawampu’t dalawang taon na…

- Huwag mo nang sabihin ang taon!- nagtatawang sabi ni Fely. Tumatanda ako…

- Hindi ka nagbabago, sabi ni Duardo. Parang mas…mas…bata ka ngayon. Sayang… hindi ka makikita ni Monang…

- Monang? napaangat ang likod ni Fely.

- Kaklase natin… sa apat na grado. paliwanag ni Duardo. Kami ang… at napahagikhik ito. –Kamakalawa lang niya isinilang ang aming pang-anim…

- “Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

- Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon. Patuloy ni Duardo nang hindi siya kumibo. Ibang-iba kaysa…noon.

- Piho nga, patianod niya. Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa ‘kong nagmamadali…

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang salaming may kulay. Tila hindi na niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. 
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtumining ang kahungkagang nadarama niya kangina pa. At may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook na binalikan niya. 

Pinagkuhanan: http://teksbok.blogspot.com/2011/03/banyaga.html
                                                                 

TALAARAWAN: ika-1 ng Disyembre; 2013


       3 Mabuting Dulot ng Palagiang Pagtulog Ayon....                                                 Syempre sa Akin

Nagyong araw ay natulog lang ako buong maghapon.Hinayaan naman ako ni mama kasi payat daw ako para tumaba. Upang lubusang maintindihan ang mabuting dulot ng palagiang pagtulog sa bahay narito ang ilan:
1. Kapag natutulog ka ng madalas ay makakaiwas ka sa mga trabaho. Aminin mo na, yun naman talaga ang dahilan mo kung bakit ka natutulog e.
2. Kapag natutulog ka ng madalas ay maipapahinga mo ang pagod mong katawan.O? Yan pabor na sa iyo yan ha? Kahit pagod ka dahil wala kang gianagawa  ay isinama ko na.
3.  Kapag natutulog ka ng madalas ay maipaapahinga mo ang pagod mong mga mata (para sa mga kabataan). Syempre naman nakakapagod kayang buong maghapon manood ng t.v.  at maglaro ng online games .

pinagkuhanan ng larawan : https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&docid=Hyfkt-Duoye5WM&tbnid=9n_16Zi-vjokEM:&ved=0CAUQjRw&url=http%3A%2F%2Fmonochrome28.blogspot.com%2F2005_09_01_archive.html&ei=5mDDUvTgDYigiQfW24HgDg&bvm=bv.58187178,d.aGc&psig=AFQjCNF1NvfDceYUGdguHTQ2Fc_Et7UQuQ&ust=1388622257173845

TALAARAWAN: ika-29 ng Nobyembre; 2013

TALAARAWAN: ika-29 ng Nobyembre; 2013
      Ngayong araw ay wala ang aming guro kung kaya't may ibang guro sa Filipino ang humalili sa kanya. Nagbigay ang aming guro ng gawain tungko pa rin sa akdang aming tinalakay. Inalam namin ang mga pangyayari sa akda na nagustuhan at hindi namin nagustuhan sa akda. Pagkatapos ay inalam din namin ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akda .Pagkataos ay inilagay namin ito sa makulay na papel.

TALAARAWAN: ika-28 ng Nobyembre; 2013

TALAARAWAN: ika-28 ng Nobyembre; 2013
       Ngayong araw ay nagkaroon kami ng pagbabalik-aral sa mga tinalakay namin kahapon. Pagkatapos ay tinalakay namin ang Sinag sa Karimlan bilang isang dulang pansuliranin. Tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob sa akda at ito ang Teoryang Sosyolohikal. Pagkatapos ng talakayan ay nagkaroon namam kami ng pangkatang gawain.

TALAARAWAN: ika-27 ng Nobyembre; 2013

TALAARAWAN: ika-27 ng Nobyembre; 2013
   Ngayong araw ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain pero bago yun ay nagbalik-aral muna kami sa aming pinag-aralan kahapon-ang mga antas ng wika. Pagkatapos ay tinalakay muna namin ang mga isyung panlipunan na makikita sa akda. At saka namin ginawa ang pangkatang gawain.

TALAARAWAN: ika-26 ng Nobyembre; 2013

TALAARAWAN: ika-26 ng Nobyembre; 2013
             Ngayong araw ay iniulat namin ang mga gawaing iniatas sa amin.Ang pangkatang gawain namin ay tungkol sa pagsusuri sa mga tauhan sa akdang aming tinatalakay. Pagkatapos ng pag-uulat ay tinalakay namin ang antas ng mga salita ng bawat tauhan.

TALAARAWAN: ika-25 ng Nobyembre

TALAARAWAN: ika-25 ng Nobyembre
      Ngayong araw ay nag-ulat ang pangkat isa tungkol sa akdang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar. Ibinuod lamang ng pangkat isa ang akda sa halip na isadula gayong dula naman ang genre nito. Pagkatapos ng paguulat ay nagkaroon kami ng talakayan ngunit upang lubos na maunawaan ay nagkaroon din kami ng pangkatang gawain. Hindi sapat ang aming oras kung kaya't iuulat ito kinabukasan.

Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar

                                          Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar

(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng kapaligiran o
impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya
muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………..)
Doming …………….. ) Mga kapwa bilanggo
Bok ………………. )
Padre Abena …………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS : Umaga
PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…
Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang
iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga
walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano
pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na
kasaysayan…

PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang
Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang
gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok
(29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting
durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad
ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig
. May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may
trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at
waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan- minsa’y maririnig
ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas
namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba,
sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang
mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo!
Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi)
Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa
pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo!
Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti
ng makahulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni
Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y –
heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min
ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan,
ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako
sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa
kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y
yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang
patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay rumaming
humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay
kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang
madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti
ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago
… Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat
kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No
dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta
mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami
nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,
yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris
ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang
pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong
di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa
mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng
batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang
mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay
sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero
malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit
kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e
nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away
sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang
elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae.
Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din,
kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong
mandukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat
ako dito pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko
ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library.
Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay
“Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko
siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng
pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may
kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang
ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng
aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso.
Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang dipagkakaroon
ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal.
Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) …
napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang
ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid
lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang
pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali
ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang
nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y
inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas
na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait
na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero…
nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan
itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na
nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang
katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang
marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman
sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.
Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!…
(Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo.
Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) …
Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.
Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang
dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan: Ang binigkas mong tula’y –
Tony: Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan: Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga
piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming: Hanong pamagat?
Ernan: Sinag Sa Karimlan.
Tony: Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa … atin dito!
Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang
karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony: Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba.
Bok: (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming!
Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon
sa pahiwatig ni BOK)
Doming: Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang
prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o,
sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t
matalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril
ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa
dingding pagkatapos).
Tony: At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming: Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan: Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi
lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga
kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok: (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming: Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista.
Marami kong naging karibal sa kanya!
Tony: “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino
nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan: Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay”
Doming: Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan hang… (Haharapin si
Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa
masyadong napakaganda.
Bok: A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan: Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.”
Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak.
Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung
totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito.
Pumapatay!
Bok: Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony: Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming: Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok: Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming: Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan: Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani
ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang
maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa
kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony: Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan: Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng
kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat
na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony: Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaraming mapagkunwari?
Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil
me inaasahang tubo o gatimpala. May –
Ernan: “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony: Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang
retrato o pangalan.
Ernan: Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming: Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang
Ernan.
Tony: P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni
Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena: Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa
siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at
malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo
bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok: (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na .
Tony: Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga
tigasin.
P. Abena: Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony: Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako
sa ‘ting klase?
P. Abena: Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a…
Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi.
Tony: Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke
Direktor.
P. Abena: Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang
napakupkop ay tinatangkilik.
Tony: Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw
silang anak.
Ernan: (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y
… Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena,
namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan ko ba kung bakit agad akong
nagkaamor kay Tony.
P. Abena: Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.
Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso
ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony: Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena: Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naman ng
araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong
Tatay!
P. Abena: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin.
May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang
naging sugat mo, Tony?
Tony: Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi
dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat
sa ibang panig ng ospital . Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg!
Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon.
(Susundan ito ng alis .)
Lahat: Adyos, Padre.
Tony: ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya …
Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali…
Ernan: Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng
pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay
hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng
pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan
naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony: Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan: A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa
ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan –
magugusthan mo …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo
kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa
pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t
batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang
temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t
pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng
mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng
kaukulang gamot sa mga may karamdaman)
Bok: (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang
siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa.
Tony: Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang
magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti
kaysa mabuting Sumama.
Bok: Galalim man ang imonmg Tagalog!
Ernan: Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga
palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga
holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman)
Ernan: P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes.
Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may
pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si
Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay
mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok: Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit
ako sa imo.
Doming: Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.)
Tanod: (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony: (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod: Miron kang bisita, adding.
Tony: Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir?
Tanod: Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming: Kuwarentay singko.
Tony: Papunta na ba rito, sir?
Tanod: Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony: (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang
taon.
Ernan: Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming: Baka naman hisang kamaghanak.
Bok: (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony: (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya
malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa
… Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,
Diyos ko!
Ernan: Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na
Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang
dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa
sa kanyang anyo na siya’y dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang
manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay
halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit
mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin.
Pagkunwa’t ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad
mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony.
Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang
kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng
ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit
nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat
sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang
dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang
panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng
kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang
nagmamasid at nakikiramdam)
Luis: Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? … pagkaraan ng
may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Untiunti
siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan
n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping
hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil …
Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla
kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang araw e
napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at
pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang
tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng
lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din
si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T.
B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t
ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan …
magtago sa ilalim ng tulay …
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat
ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto …
Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng
kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong
ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong
tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko
na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang
nalabuan kong isip. Ngayo’y –
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap?
… At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat
na mabibigyan ka ng parole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung
si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang
kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At
nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding
sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y
nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang
Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may
labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang
anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong
pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa
sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga
kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina
Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang
nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa
may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng
kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa
ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na
aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si
Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng iba’t ibang uri ng
pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na
pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay
pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan: Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa
sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor…
(Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung masusunod lamang ng mga
tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’Y –
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo
akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y
‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating
kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho?
Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!
(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung
doktor! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!

Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!…
(Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang
lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila
ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis.
Walang imik silang magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag
kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng
ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya
sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na
iyan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito
ng papalapit na pari.)
P. Abena: Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris
mo…
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay
mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap)
Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t
mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang
paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na
manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at
masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa ’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na
sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang
magkakatinginan.
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurapkurap,
at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring
dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa
kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y
nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y
unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting
dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya
ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si
Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan. Pagdaraupin naman ni Padre
Abena ang mag ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)
 
 

Linggo, Disyembre 22, 2013

TALAARAWAN: ika-22 ng Nobyembre; 2013

TALAARAWAN: ika-22 ng Nobyembre; 2013
      Ngayong araw ay ipinasa namin ang aming takdang aralin na islogan.Pagkatapos ay pumili ang aming guro ng ilan sa mga kamag-aral ko upang basahin at ipaliwanag ang kanilang mga gawa.Nagtanong ang aming guro kung bakit ayaw sabihin sni Saling sa kanyang ama ang tunay na nangyari. Pagkatapos ay nagpaskil ang aming guro ng ilang katanungan at ito'y aming sinagot. Nagkaroon din kami ng maikling pagsusulit.

Linggo, Disyembre 15, 2013

TALAARAWAN: ika-21 ng Nobyembre

TALAARAWAN: ika-21 ng Nobyembre
    Ngayong araw ay tinalakay namin ang teoryang nakapaloob sa akda at ito ang Teoryang Dekonstruksyon. Ang teoryang ito ang  siyang nagbabago sa pananaw ng tao pagkatapos malaman ang tunay na kwento. kung iuugnay sa akda , halimbawa nito ay ang pagiging kriminal ni Tata Selo sa loob ng akda ngunit ang totoo ay siya ang biktima.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin ng aming guro na gumawa ng islogan tungkol sa paksa ng akda.

TALAARAWAN: ika-20 ng Nobyembre

TALAARAWAN: ika-20 ng Nobyembre
     Ngayong araw ay mas sinuri pa namiin ang akdang Tata Selo. Nagkaroon kami ng pangkatang gawain tungkol pa rin sa akda. Pagkatapos ay tinalakay namin ang tunay na dahilan ni Tata Selo sa pagpatay niya kay Kabesang Tano. At sa huli napag-alaman namin na ito ay dahil sa paggahasa ni Kabesa kay Saling na anak ni Tata Selo.

TALAARAWAN: ika-19 ng Nobyembre

TALAARAWAN: ika-19 ng Nobyembre
  Nagyong araw ay sinimulan ng aming guro ang talakayan sa pamamagitan ng paghingi sa aming opinyon sa katagang "walang alipin kung walang paaalipin". Pagkatapos ay isinadula ng aming pangkat (pangkat apat) ang akdang Tata Selo  na isinulat ni Rogelio R. Sikat.naging maayos naman ang aming pagsasadula ngunit naging napakahaba nito. Natuwa din sa amin ang aming punongguro.

Tata Selo ni Rogelio Sikat

Tata Selo ni Rogelio R. SIkat

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang baliatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggigitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa Malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis nasumasawata sa nagkakagulong tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan."
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugng putok sa no. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisd na alikabok.
"Bakit niya babawin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay dahilsa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?"
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
"Hindi ma na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked.Mataas ito, maputi nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
"Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?" 

Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para tagain mo ng kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras. "
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
"Ako po'y hindi ninyo nauunawaan, "nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya/ Sa binatang nagtapon ng sigarilyo at marring tinapakan pagkatapoos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyn? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangk kung anihan. Kung hindi k na naman po mababawi, masasaka man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina. 'kung maaari po sana, "Besa, wika ko po, 'kung maaari po sana, huwag naman ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong mag-saka, "Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa nama'y malakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tinganan po n'yong putok sa aking noo, tingnan po 'nyo,"
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
"Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya.Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
"Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo. "Doon ba sa may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! tinugkod ako, amang. nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?
"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
"Patay po ba?"
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
"Pa'no po niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito kina kabesang tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo "Pa'n po niyan si Saling?"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing ssila sa bahay ng kabesa. abut-abotang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayuan sa istaked.
"Patay po ba? Saan po ang taga?"
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ngmay-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. nanulak ang malaking lalaking hepe.
"Saan po tinamaan?"
"Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyn at mariing ihinagod hanggang sa kanang punong tainga. "Lagas ang ngipin."
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
"Mabibilanggo ka niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.
"Pa'no nga ba'ng nangyari? "Kunot at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
"Binawi po niya ang aking saka, Presidente, " wika ni Tata Selo. "Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo-"
"Alam ko na iyan, "kumukumpas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw ng luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
"Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,"wika ni Tata Selo "Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po."
"Saan mo tinaga ang kabesa?"
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.
"Bakit po naman, Besa? tanong k po. Ang wika'y umalis na lang daw po ako. 'Bakit po naman, Besa? Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a' Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y ... Ay! tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod."
"Tinaga mo na no'n, " anag nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin -- may mga eskribiyente pang nakapasok doon -- ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Seloo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
"Ang iyong anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
"Tinatanong ka anang hepe.
Lumunok si Tata Selo
"Umuwi na po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
Kamakalawa po ng umaga.
"Di ba't kinakatulong siya ro'n?"
Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya.
"May sakit po siya."
Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyn ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo - ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
"Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at di pa natitinag sa upuan.
"Binabawi po niya ang aking saka." katwiran ni Tata Selo. Sinapokng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo
"Tinungkod po niya ako ng tinugkod, " nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyt ng hepe si Tata Selo ssa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormeng kaki ng hepe.
"Tinungkod po niya ako ng tinungkod ... Ay! tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod ..."
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
"Si kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay ttila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga pepel sa itaas.
"Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo, "anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka siguro ikukulong."
Wala ni papag sa looob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukd ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling , nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
"Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
"Patayin na rin ninyo ako, Presidente." Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo."Napatay ko po ang kabesa, Patayin \na rin ninyo ako."
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-poblacion. Hanggang noon, bawa't isa nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingiin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Ang araw katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakao. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhattin siya ng dalawang pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng laka si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkikita.
"Hindi ka na ssana naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod."May sakit ka, Saling, may sakit ka!"
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kaloong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
"Umuwi ka na, Saling " hiling ni Tata Selo. Bayaan m na ... bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi..."
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
"Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. " Binalutan ng basang sako, hindi nga halata."
"Ang anak, dumating daw?
"Naki-mayor."
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis ssi Tata Selo. napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas. mahigpit na humawak doon at habang nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa semendadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.
"Tata Selo ... Tata Selo ..."
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mataang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.
"Nando'n amang si Saling sa Presidente, "wika ni Tata Selo. "Yayain mo nang umuwi, umuwi na kakyo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot ng sumunod...
Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyan. May Kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya. nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinabi ng batang na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila...
      Pinagkuhanan: http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/tata-selo-ni-rogelio-r-sikat.html