Mga sey sa buhay ng may akda; at mga karanasang hindi man lahat kapupulutan ng aral pero kaaaliwan.Paalala: Ang blog na ito ay bukas sa mga komento papuri man o hindi. Ang mga komento ninyo ay makakatulong sa pagpapa-unlad ng pagsusulat ng may akda.
Lunes, Disyembre 22, 2014
Ano ba?
Nag-iisip ako ngayon kung ano ba ang dapat kong i-post? Yung tungkol ba sa karanasan ko o kahit ano na lang? Nahihirapan akong isipin kung ano ba ang nababagay na i-post sa mga panahon ngayon. Malamang karamihan ay tungkol sa Pasko ang ilalagay o kaya naman ay tungkol sa bagong taon. E, parang pangkaraniwan naman ata kung ganoon din ang ilalagay ko. Ano nga kaya? Mahirap talaga ang gumawa agad ng isang post nang wala kang nakahanda at kokopyahin mo na lang. At nararanasan ko na nga iyon. Mahirap dahil hinahabol ko na lamang ang mga salitang binabanggit ng aking utak. Mabilis siyang mag-isip at nahihirapan akong i-type ang mga sinasabi niya na kung minsan ay hindi na niya pwedeng balikan pa. Kung kaya't ang resulta ay hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang dapat kong isulat. Sa kabilang banda ako na rin siguro ang dapat na tumuklas noon, pero paano? hindi ko talaga maisip sa ngayon. Siguro'y wala ako sa wisyo ngayon, siguro'y sabi nga sa palabas na Dream Dad ay baka hindi pa tama ang panahon. Tama nga siguro, yun na nga! Hindi pa ngayon ang tamang panahon para makapag-isip ako ng dapat kong isulat. ang maganda siguro'y matulog muna ako at hayaang makapagpahinga ang aking utak. :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento