Buhay.
Isang gawain ang nakapukaw ng atensyon ko kanina habang may hinihintay kami bago ang pag-uwi. Isang gawaing hindi na sana mangyayari pa kung simple lang ang naging pananaw niya. Isang gawaing nagpakomplikado ng lahat. Na sumayang sa mga panahong sana'y nakapaglakad na kami pauwi. At sana'y nasimulan na ang lahat ng mas mahalagang gawain. Ito ay ang pagsadya niyang pagkuha ng halos kalahating oras sa amin para sa kaniyang gawaing hindi na sana pa magiging mahirap kung nung una'y napaskil na niya sa harapan ang kailangang iwasto sa aming takdang-aralin. May mga gawain pa kasi siyang pinakomplikado.
Ganito ba talaga ang buhay ng tao?. Komplikado ang desisyon, gawain, at pananaw?. At ang lahat ng bagay ay hinahanapan ng mahirap na paraan? Naalala ko tuloy ang isang bahagi sa kanta ng isang rapper ngunit hindi ko tanda ang pangalan. Aniya "mahirap pero posible kung ang lahat ng bagay ay gagawin mong simple". Tumatak sakin ang litanyang ito na para bagang may tama siya at ganito halos ang sitwasyon sa ibabaw ng mundo. Ang tao ay nandiyan na at nag-iisip nadiyan na't binigay na ang solusyon ay maghahanap pa ng mas inakala nilang magandang solusyom. Hinahanap pa nila ang mas komplikado gayoong nandiyan na naman ang simpleng paraan.
Kung sana'y ang isip nati'y nagawa bilang mag-isip ng tama ngunit payak ay mas magiging simple ang magiging desisyon natin. At ang lahat ng gagawing bagay ay nasa simpleng pamantayan lamang. At ang mga problemang siya ring gawa natin ay maiiwasan. Kung sana ang lahat ng sana ay natutupad ay mas magaan. :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento