Biyernes, Marso 28, 2014

Starring... Patrick !!



         " Everything will be okay in the end... if it is not yet okay then it is not yet the end"                                                                               --Patick the star 
        Nakita ko lang yan na naka-print sa t-shirt nung nakasalubong ko. Nakakatawa nga e, tinitingnan na ako ng masama nung lalaki. Kasi ba naman, tumawa ako matapos kong basahin yan.
          Ang ganda ng nais sabihin ni Patrick satin. Na... pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat. Na.. matatapos din yung problema natin. Na...lahat ng paghihirap ay magwawakas din. Na... kung umiiiyak ka pa ibig sabihin may kailangan ka pang gawin para maging masaya ka. 
        Lahat naman talaga ay may dulo. At lahat talaga may katapusan kaya hindi dapat tayo magpatalo sa problema ng buhay. Dapat hindi tayo ang kinokontrol ng sitwasyon kundi tayo ang kumokontrol dito.
         Pero minsan talaga sa sobrang bigat ng problema sumusuko tayo. May ilang pinipiling wakasan ang buhay para matakasan ang problema. May ilan namang literal na tinatakbuhan ang problema, dahil sa palagay nila pag umalis sila ay maiiwan nila ang problema. Pero hindi ba't hindi naman nawala ang problema, nakalimutan lang ito ng panandaliang panahon. Tulad ng mga taong nagpupunta sa ibang bansa para tumakas sa problema pero in the end kapag tumanda na sila sa bayan pa rin nila sila babalik at pipiliting ayusin ang problemang iniwan nila dun.
          At kadalasan kung kailan naayos na natin ang lahat, kung kailan wala na tayong problema dun na tayo babawian ng buhay at kadalasan yan na rin ang nagiging the end natin. Pero at least wala tayong naiwang problema.

Pinagkuhanan: google.com

Martes, Marso 25, 2014

Sobrang Saya.. :)

Akalain mo yun? 
            Malamang hindi niyo ma-appreciate tong nararamdaman ko. Pero , wala e, sobrang saya ko e! Akalain mo ba naman yun naging manunulat ng taon pa ako? Nagulat syempre nung unang may nagsabi sakin pero kasabay ng gulat ko ay ang tuwang naramdaman sa puso ko. Gusto ko lang ibahagi yung sayang nararamdaman ko ngayon. Yung pakiramdam na may nakaka-appreciate pala nung mga ginagawa kong akda. Kahit special award lang yung nakuha ko sobrang masaya naman ako dahil alam kong gusto ko yung ginagawa ko. 
             Noon pa man gusto ko na ang pagsusulat. Nasa elementarya pa lang ako ay hilig ko na ito dahil para sakin ito ang paraan ko para maipahayag yung mga saloobin ko sa mga bagay. Pero dati madalas tinatamad akong gumawa ng tula, sanaysay at kung ano mang may kaugnayan sa pagsulat ngunit may isang taong nagbigay sakin ulit ng dahilan para muling ibalik ang hilig ko sa pagsulat. Siya ang taong nagbalik sakin ng saya sa pagsusulat ulit. Dahilan kung bakit may blog ako ngayon. Dahilan kung bakit may mga nababasa kayong mga gawa ko. Hindi ko na siya papangalanan kasi shy-type siya. Pero alam kong pag nabasa niya ito malalaman niyang siya yung tinutukoy ko.
              Nais ko lang magpasalamat sa kanya. 

Kaibigan, Ugat ng Asahan....

Kaibigan, Ugat Ng Asahan
Sanaysay ni: Karen M. Serada

You can count on me like 1, 2, 3… I’ll be there
          Bahagi ito sa kantang “Count on Me” ng isa sa sikat ngayon sa larangan ng pagkanta na si Bruno Mars. Sa kantang ito pinapatungkulan ang pagtutulungan ng mga magkakabarkada, mga mag-tol at ang iba pang mga magkakaibigan. Madalas nabibigyan natin ng maling interpretasyon ang tulungan na kung minsan humahantong na sa asahan. May malaking kaibahan ang tulungan sa asahan. Ang tulungan ay ang pagtulong mo sa isang tao na hindi mo ito obligasyon samantalang ang asahan naman ay ang pagtulong niyo sa isa’t isa na obligado niyo itong gawin. Hindi masama ang tumanggap ng tulong at tumulong sa mga kaibigan ngunit nagiging masama lang ito kung sayo na umaasa ang iyong kaibigan o sa kabilang banda ikaw na ang umaasa sa kanila.
          Sabi sa isang sikat na kasabihan “ No Man is an Island”, na nangangahulugang kailangan talaga natin ng makakasama sa buhay- ng kaibigan. Pero walang sinabi ang kasabihang ito na kailangan mong asahan ang mga kaibigan mo. Walang sinabi na dapat kang tumulong habangbuhay sa kanila. Walang sinabi na dapat kang umasa sa kanila habangbuhay. Totoo, makakahanap tayo ng kaibigang panghabangbuhay pero hindi ito nangangahulugan na may pwede kang asahang panghabangbuhay.
          Sa paaralan, kitang-kita ang mga kaibigan talaga ang ugat ng asahan. Halimbawa, natawag si Juan ng biglaan sa klase pero hindi niya alam ang tamang sagot, at dahil kaibigan ni Pedro si Juan nariyan siya at pasenyas-senyas at pabulong-bulong ng tamang sagot. Hindi ba’t imbis na mapagtanto ni Juan na mag-aral ng mabuti para sa susunod na matawag siya ay makakasagot na siya ng tama ay iisipin niya na lang umasa kay Pedro. Isa pa, kapag nagkaroon kayo ng biglaang pagsusulit sa matematika, hindi na naman nakapag review  si Juan at nakita ni Pedro na wala siyang maisagot, at dahil hindi alam ni Pedro ang tunay na kahulugan ng kaibigan pakokopyahin niya na lang si Juan. At dahil nagawa ni Pedro ito, iisipin ng ilan sa atin bilang mga Juan na umasa na lamang sa kanya .
          Ang mundo ay malupit at ang tanging maasahan mo lang ay ang iyong sarili. Sabihin na natin na nakapagtapos ka ng kolehiyo pero umasa ka lang naman sa iyong kaibigan kaya ka nakapagtapos. Ngunit, ang kursong napili mo ay may tinatawag na bored exam para magkaroon ka ng lisensya. Paano yan, hindi mo kaibigan ang naging katabi o kasama sa kuwarto kung saan kayo magkakaroon ng pagsusulit? Sinong aasahan mo? Sinong kokopyahan mo? Hindi ba wala? Sa tunay na mundo hindi mo laging kasama ang iyong kaibigan kaya dapat marunong kang mag-isa at humarap sa mundo ng mag-isa.
          Sa paghusga ng mundo sa iyo hindi ang mga kaibigan mo ang ihaharap mo, hindi talino ng iba ang ipanglalaban mo, hindi karanasan nila ang ipagmamalaki mo kung hindi ang sarili mo- sariling karanasan at talino. Ang magiging husga ng mundo sa iyo ay maaaring maging maganda o hindi at nasasaiyo na naman ang desisyon kung anong gusto mong maging tingin nila sa iyo. 

Pinagkuhanan ng larawan:  google.com

Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Basa


      

                 Amerikanisasyon ng Isang Pilipino
                Si Ponciano B. Peralta Pineda ang sumulat ng isa sa pinakamagandang sanaysay na nabasa ko. Bukod sa manunulat si Pineda ay isa ring guro, linggwista at abogado at Filipinologist o eksperto sa kulturang Filipino. 
               "Ang amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan". Isa ito sa pinakamagandang pangungusap na nabasa ko. 
                 Binigyang diin niya din ang isang halimbawa ng maling pagpapalaki ng magulang sa kanyang anak. Binanggit niya rin ang baluktot na pamamalakad ng isang eklusibong paaralan na kung saan dapat na sanang humubog ng tama ay namamali. Nagtapos sa sanaysay na ang batang tinutukoy ay lumaki at nagkaisip na magagaling ang mga gawa ng mga Amerikano at hindi kasing galing ng mga kalahi niya.
                 Iginiit niya sa dulo ng sanaysay na ang realidad ay hindi talaga tumutulong sa atin ang mga Amerikano ngunit tumutulong para sa Estados Unidos mismo- sa kanilang pansariling kapakanan lamang.
                Magandang basahin ito ng mga kabataang alam naman natin sa ngayon ay mas hinahangaan ang mga gawang Amerikano.Mas binibili ang mga produktong gawa ng Amerikano dahil kapag nga daw sinabing imported ang ginamit mo ay may class ka. At magandang pag-aralan din ito sa mga paaralang pampubliko at pribado upang mamulat ang isipan ng mga kabataan sa magiging epekto ng Amerikanisasyon sa isang Pilipino.

Pinagkuhanan: http://francesdeanrabang.wordpress.com/2012/08/
                

suring pampelikula

                                          FROZEN
            "Only an act of true love can thaw a frozen heart"
                                                  - King Pabbie of Trolls

         Mula sa paghihirap ng batikang direktor na sina Chris Buck at Jennifer Lee at ang buong produksiyon ng 3-D'ng pelikulang ito-ang Frozen. Kwento ito ng magkapatid na sina Prinsesa Elsa (boses ni Idina Menzel) at Prinsesa Anna ( boses ni Kristen Bell). Si Elsa ay may kapangyarihang makagawa at makapagpayelo ng mga bagay. 

          Ang direktor na si Jennifer Lee na siyang Screenplay writer din ang nag-isip at gumawa ng buong kwento. At kasama dito ang kapangyarihan ni Elsa na naging dahilan din ng pagkapahamak ng kanyang kapatid. Sa mga hindi bidang karakter ng pelikula nagmula ang mga matatalinghagang pahayag na siyang nagpamulat sa mga bidang karakter kung ano ang dapat nilang gawin.                                            )



           Ang karakter ni Olaf, ang batang snowman ang pinakanagustuhan ko at malamang magustuhan niyo din. Siya ang nagbigay ng katagang "Some people are worth melting for". Sinabi niya ito habang natutunaw dahil nakatapat siiya sa isnag chimney at nais niyang painitan si Elsa. Isa pa sa nagustuhan kong linya niya ay ang " Love is... puting someone else needs before yours". Napka inosente niya pero kasabay nito ang pagiging malalim niya.

           Isa pa sa nagustuhan kong karakter ay si Grand Pabbie, ang iginagalang ng mga kapwa niya Trolls. maganda rin ang mga sinabi niya sa pelikula gaya ng " The heart is not so easily changed. But, the head can be persuaded". 
   
            Pati ang mga bidang karakter na sina Kristoff Bjorgman (boses ni Jonathan Groff) at Hans (boses ni ) ay magagaling din. Isa sa magandang sinabi ni Kristoff ay " What if you dont like the way he eats? What if you don't like the way he picks his nose? " " Doesn't sound true love", dagdag niya . Sinabi niya ito kay Anna ng malaman niya na magpapakasal na ito kay Hans.
                         Disney's ‘Frozen’ Animator Draws Heat for Female Character Comments
            Naging magagaling din ang magkapatid na si Elsa at Anna. Maganda ang sinabi ni Elsa na "Love will thaw" at kay ang nagustuhan ko naman kay Anna ay ang "It is not nice to throw people".

             Isa sa pinakamagandang aral na natutunan ko matapos mapanood ang pelikulang ito ay wala talagang mas true love pa sa pagmamahal ng iyong kapatid at pamilya. Maaaring lokohin ka ng ibang tao at mahirapang magtiwala ulit, hinding-hindi ka lolokohin ng iyong kapatid at pamilya.

            Ang pelikulang ito ay bagay na bagay na panoorin nang sabay-sabay ng magkakapamilya.

Mga pinagkuhanan: http://www.thewrap.com/disneys-frozen-animator-female-characters-really-really-difficult/

http://www.huffingtonpost.com/chuck-mirarchi/jonathan-groff-is-cool-as_b_4330084.html
http://blogs.disney.com/insider/articles/2013/07/11/get-to-know-the-frozen-characters/