Sabado, Mayo 31, 2014

Note: pigilan ang sarili sa paghusga ng aking gawa… haha… pagbigyan niyo na minsan lang yan…


              Malamang magtatanong kayo kung bakit yan ang pamagat ng blog ko. Siguro… una niyong maiisip na idol ko si Juana Change at sa kanya ko nakuha ang title ng blog ko. Malaking HINDI po. Hindi naman po sa hindi ko siya gusto kundi dahil hindi lang talaga sa kanya hango ang titulo ng blog ko .

             Kung saan ko nakuha? Ganito po kasi yun... isang linggo na po akong nag-iisip ng bagong pamagat ng blog pero wala pa rin akong maisip. Hanggang isang araw  habang nagbabantay ako ng tindahan ng mama ko…. nakita ko ang tinda ni mama na “Chicharon ni Mang Juan” pero sa anggulong pinupwestuhan ko ay natatakpan ito ng isa pang produkto. Kaya kapag binasa mo siya ay ganito na lang “Chic ni Juan”. Natawa ako at naisip na gawing Chica ni Juan pero dahil babae ako e di Chica Ni Juana na lang.

2 komento:

  1. aba matinde :-) haha! ang ganda ng pinaghanguan, if i know favorite mo lang yung mang juan e. hahaha!!! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha.. :) hindi kaya ate.... :) konti lang.. haha :D

      Burahin