" Everything will be okay in the end... if it is not yet okay then it is not yet the end" --Patick the star
Nakita ko lang yan na naka-print sa t-shirt nung nakasalubong ko. Nakakatawa nga e, tinitingnan na ako ng masama nung lalaki. Kasi ba naman, tumawa ako matapos kong basahin yan.
Ang ganda ng nais sabihin ni Patrick satin. Na... pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat. Na.. matatapos din yung problema natin. Na...lahat ng paghihirap ay magwawakas din. Na... kung umiiiyak ka pa ibig sabihin may kailangan ka pang gawin para maging masaya ka.
Lahat naman talaga ay may dulo. At lahat talaga may katapusan kaya hindi dapat tayo magpatalo sa problema ng buhay. Dapat hindi tayo ang kinokontrol ng sitwasyon kundi tayo ang kumokontrol dito.
Pero minsan talaga sa sobrang bigat ng problema sumusuko tayo. May ilang pinipiling wakasan ang buhay para matakasan ang problema. May ilan namang literal na tinatakbuhan ang problema, dahil sa palagay nila pag umalis sila ay maiiwan nila ang problema. Pero hindi ba't hindi naman nawala ang problema, nakalimutan lang ito ng panandaliang panahon. Tulad ng mga taong nagpupunta sa ibang bansa para tumakas sa problema pero in the end kapag tumanda na sila sa bayan pa rin nila sila babalik at pipiliting ayusin ang problemang iniwan nila dun.
At kadalasan kung kailan naayos na natin ang lahat, kung kailan wala na tayong problema dun na tayo babawian ng buhay at kadalasan yan na rin ang nagiging the end natin. Pero at least wala tayong naiwang problema.
Pinagkuhanan: google.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento