![]() |
Note: pigilan ang sarili sa paghusga ng aking gawa… haha… pagbigyan niyo na minsan lang yan… |
Malamang
magtatanong kayo kung bakit yan ang pamagat ng blog ko. Siguro… una niyong
maiisip na idol ko si Juana Change at sa kanya ko nakuha ang title ng blog ko.
Malaking HINDI po. Hindi naman po sa hindi ko siya gusto kundi dahil hindi lang
talaga sa kanya hango ang titulo ng blog ko .
Kung saan
ko nakuha? Ganito po kasi yun... isang linggo na po akong nag-iisip ng bagong
pamagat ng blog pero wala pa rin akong maisip. Hanggang isang araw habang nagbabantay ako ng tindahan ng mama
ko…. nakita ko ang tinda ni mama na “Chicharon ni Mang Juan” pero sa anggulong
pinupwestuhan ko ay natatakpan ito ng isa pang produkto. Kaya kapag binasa mo
siya ay ganito na lang “Chic ni Juan”. Natawa ako at naisip na gawing Chica ni
Juan pero dahil babae ako e di Chica Ni Juana na lang.
aba matinde :-) haha! ang ganda ng pinaghanguan, if i know favorite mo lang yung mang juan e. hahaha!!! :)
TumugonBurahinhaha.. :) hindi kaya ate.... :) konti lang.. haha :D
Burahin