Sabado, Mayo 31, 2014

Throwback: Larong Pinoy

source: Google.com


Throwback: Larong Pinoy

           Ang mga pinanganak sa taong early 1980’s hanggang late 1990’s ang mga taong I’m sure nakapaglaro ng mga larong pinoy. Sa mga panahong ito ay hindi pa gaanong popular ang gadgets at computer. Ang larong piko; siyato; luksong baka;luksong tinik; tagu-taguan; piik-bulag; agawan base; pitikang goma; taguan-tingting; holen; teks; at kung anu-ano pa . i-throwback natin ang ilan sa mga ito.
1.      Piko --- iba-ba man ang drawing at tawag sa larong ito. Sino ba ang makakalimot sa pagkakataong may hawak kang pato (maaaring piraso ng bato o kahoy basta maliit lang ) at ihahagis mo sa drawing atsaka tatalon-talon.
2.      Siyato---  ang larong ito ay nangangailangan ng isang may kahabaang kawayan, maliit na kawayan at butas sa lupa. Napakasay ng larong ito lalo na kapag burot( tawag sa kalaban mo kapag lagi siyang taya sa laro niyo) ang kalaban mo.
3.      Luksong baka--- “Sayad” – nakakainis yang marinig kapag umalon ka na sa kalaban mong hirap na hirap na. Yung tipong ang layo ng bwelo mo tapos sasayad ka din naman pala.
4.      Luksong tinik--- ito yung pagpapatong-patong ng mga kamay  ng dalawang taya hanggang sa tumaas nang tumaas habang pilit na tinatalon ng ibnag manlalaro.
5.      Tagu-taguan---para sakin isa to sa pinakamasaya lalo na kapag ikaw yung nagtatago at ikaw na lang ang hinahanap ng taya. Yung tipong may konting kaba pa dahil sayo nakasalalay ang pagkataya ng taong naunang nahanap . Ang pinakamasayang parte ay kapag nakapag-save ka( tawag kapag nalapat mo ang kamay mo sa pader o kahit anong bagay na kung saan doon nakatalikod na kumakanta ng tagu-taguaan ang taya na nangangahulugang ligtas ang unang nahanap at taya muli ang taya ) ng kasama mo.
6.      Pitik- bulag---- Hindi ko gaanong nalaro ito pero ayon sa napagtanungan kong mas nakaatanda sa akin, ito yung nakapikit ang taya at pipitikin sa noo atsaka ilalagay ang kamay sa ulo ng taya at ipapahula kung anong bilang ng daliri niya.
7.      Agawan-base--- may dalawang magkalabang grupo ang hahanap ng base( karaniwan puno) na may kalayuan sa isa’t isa. At kapagka may nakahawak sa base niyong kalaban ay tao kayo. Ang parusa ay depende sa napagkasunduan niyo. Kadalasan ay pinapalusot ng nanalong grupo ang natalong grupo sa gitna ng kanilang dalawang paa nang gumagapang.
8.      Pitikang -goma—kadalasan dalawang tao lang ang naglalaro nito. Magbibigay ang dalawa ng parehas na bilang ng goma atsaka ibubuhol. Pagkatapos ay salit-salitang pipitikin at kapagka may kumalas na goma ay pagmamay-ari na ng kung sinong nakapitik.
9.      Taguan-tingting—sa larong ito nangangailangan lang ng sobrang liit na tingting at ipapakita ito sa taya. Pagkatapos ay guguhit ng bilog sa lupa at doon itatago ang tingting. Kapag natapos na hahanapin ng taya ang mga tingting at kapag may nakitang bakas ang taya ay bibilugan niya ito nang maliit lang at kung kaninumang tingting ang nasama ay siyang panibagong taya
10.  Holen—Mga maliliit at bilog na bagay na kadalasan ay nilalaro ng mga batang lalaki. May pato pa rin silang holen at mag-uunahan silang maipalabas ang mga holen sa loob ng iginuhit na kahon o bilog sa lupa.
11.  Teks—Maga kwadradong papel na may iba’t iang litrato. Kadalasan din lalaki ang naglalaro nito.
12.  Chinese Garter—Mga kababaihan naman ang naglalaro nito. Sino ba naman ang makakalimot sa 10-20 portion sa garter na ito. Kadalasan ang nagwawagi ay ang may mahahabang biyas na baae at mataas tumalon dahil sa pataas ito nang pataas.

            Kung iisipin… sa panahon taga ngayon hindi na ito nalalaro . Palagi naman natin ito naririnig at nababasa. Pero since uso naman ang throwback ngayon, ba’t hindi natin gawin at pansamantalang itabi muna ang laptop at tablet. Labas din tayo sa ating mga bahay at makipaglaro sa ating pamilya at kaibigan. At kung matanda na ta hindi na kaya pang maglaro… sigurado naman akong may mga anak ;inaanak; pmangkin; o kahit apo pa man yan pwede natin silang turuan. Instant bonding na healthy pa para sa kanila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento