"Only an act of true love can thaw a frozen heart"
- King Pabbie of Trolls
Mula sa paghihirap ng batikang direktor na sina Chris Buck at Jennifer Lee at ang buong produksiyon ng 3-D'ng pelikulang ito-ang Frozen. Kwento ito ng magkapatid na sina Prinsesa Elsa (boses ni Idina Menzel) at Prinsesa Anna ( boses ni Kristen Bell). Si Elsa ay may kapangyarihang makagawa at makapagpayelo ng mga bagay.
Ang direktor na si Jennifer Lee na siyang Screenplay writer din ang nag-isip at gumawa ng buong kwento. At kasama dito ang kapangyarihan ni Elsa na naging dahilan din ng pagkapahamak ng kanyang kapatid. Sa mga hindi bidang karakter ng pelikula nagmula ang mga matatalinghagang pahayag na siyang nagpamulat sa mga bidang karakter kung ano ang dapat nilang gawin. )
Ang karakter ni Olaf, ang batang snowman ang pinakanagustuhan ko at malamang magustuhan niyo din. Siya ang nagbigay ng katagang "Some people are worth melting for". Sinabi niya ito habang natutunaw dahil nakatapat siiya sa isnag chimney at nais niyang painitan si Elsa. Isa pa sa nagustuhan kong linya niya ay ang " Love is... puting someone else needs before yours". Napka inosente niya pero kasabay nito ang pagiging malalim niya.
Isa pa sa nagustuhan kong karakter ay si Grand Pabbie, ang iginagalang ng mga kapwa niya Trolls. maganda rin ang mga sinabi niya sa pelikula gaya ng " The heart is not so easily changed. But, the head can be persuaded".

Pati ang mga bidang karakter na sina Kristoff Bjorgman (boses ni Jonathan Groff) at Hans (boses ni ) ay magagaling din. Isa sa magandang sinabi ni Kristoff ay " What if you dont like the way he eats? What if you don't like the way he picks his nose? " " Doesn't sound true love", dagdag niya . Sinabi niya ito kay Anna ng malaman niya na magpapakasal na ito kay Hans.

Naging magagaling din ang magkapatid na si Elsa at Anna. Maganda ang sinabi ni Elsa na "Love will thaw" at kay ang nagustuhan ko naman kay Anna ay ang "It is not nice to throw people".
Isa sa pinakamagandang aral na natutunan ko matapos mapanood ang pelikulang ito ay wala talagang mas true love pa sa pagmamahal ng iyong kapatid at pamilya. Maaaring lokohin ka ng ibang tao at mahirapang magtiwala ulit, hinding-hindi ka lolokohin ng iyong kapatid at pamilya.
Ang pelikulang ito ay bagay na bagay na panoorin nang sabay-sabay ng magkakapamilya.
Mga pinagkuhanan: http://www.thewrap.com/disneys-frozen-animator-female-characters-really-really-difficult/
http://www.huffingtonpost.com/chuck-mirarchi/jonathan-groff-is-cool-as_b_4330084.html
http://blogs.disney.com/insider/articles/2013/07/11/get-to-know-the-frozen-characters/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento