Martes, Marso 25, 2014

Sobrang Saya.. :)

Akalain mo yun? 
            Malamang hindi niyo ma-appreciate tong nararamdaman ko. Pero , wala e, sobrang saya ko e! Akalain mo ba naman yun naging manunulat ng taon pa ako? Nagulat syempre nung unang may nagsabi sakin pero kasabay ng gulat ko ay ang tuwang naramdaman sa puso ko. Gusto ko lang ibahagi yung sayang nararamdaman ko ngayon. Yung pakiramdam na may nakaka-appreciate pala nung mga ginagawa kong akda. Kahit special award lang yung nakuha ko sobrang masaya naman ako dahil alam kong gusto ko yung ginagawa ko. 
             Noon pa man gusto ko na ang pagsusulat. Nasa elementarya pa lang ako ay hilig ko na ito dahil para sakin ito ang paraan ko para maipahayag yung mga saloobin ko sa mga bagay. Pero dati madalas tinatamad akong gumawa ng tula, sanaysay at kung ano mang may kaugnayan sa pagsulat ngunit may isang taong nagbigay sakin ulit ng dahilan para muling ibalik ang hilig ko sa pagsulat. Siya ang taong nagbalik sakin ng saya sa pagsusulat ulit. Dahilan kung bakit may blog ako ngayon. Dahilan kung bakit may mga nababasa kayong mga gawa ko. Hindi ko na siya papangalanan kasi shy-type siya. Pero alam kong pag nabasa niya ito malalaman niyang siya yung tinutukoy ko.
              Nais ko lang magpasalamat sa kanya. 

1 komento:

  1. at talagang shy-type... heheheh~ keep updating your blog kahit walang nagsasabi. Binabati kita!~

    TumugonBurahin