| Source: http://youngpiyang.wordpress.com/2012/03/14/dont-judge-the-book-4/ |
Atensyon Ang Kailangan, Basahin Din Minsan
Nakatambak,
inaalikabok, madumi at taglay ang mga bookworm
ng mga libro sa ating bahay at kadalasan konti na rin ang gumagalaw sa kanila
sa mga aklatan. Kung tao at may isip daw ang mga libro malamang ay nagtampo na
ito dahil hindi na sila napapansin ngayon at kadalasan ay tinatambak na lang.
Sa
modernong panahon ngayon, napakadami ng teknolohiyang makapagbibigay sa atin ng
mga impormasyon sa mas mabilis na paraan. Sa isang click sa google at Wikipedia
makikita mo na ang sagot sa mga assignments
mo. Sa ilang piso mo lang mahahanap mo na ang impormasyong gusto mo. Totoong
ngang napakadali ng pagkuha ng impormasyon sa mga teknolohiyang ito, pero ika
nga nila, reliable ba? Tama ba? Hindi
naman talaga natin alam kung tama at reliable
o hindi ang mga ito dahil kahit sino ay pwedeng magbigay ng impormasyon dito.
Nauuso
na rin ngayon ang eBook o electronic book na kung saan mababasa
ang mga gusto mong libro sa computer
o pwede na rin ngayon sa cellphone.
Oo’t para ka na ring nagbabasa ng tunay na libro kapag nagbasa ka gamit ang eBook pero ang malaking problema
“parang” lang, ibig sabihin hindi eksakto
sa sitwasyon mo kapag nagbasa ka sa tunay na libro. Nagdudulot pa ito ng
iba’t ibang sakit sa mata at katawan kapag patuloy mo itong ginagawa. Hindi
ba’t gagastos ka din ng pera kapag nag rent
ka ng computer sa computer shop?
Ang mga
nakatambak, inaalikabok, at mga maduming libro ay naghihintay lang sa iyo at sa
atin upang mapansin dahil katulad ng iba, atensyon ang kailangan nila. Wag din
natin kalimutang laanan ng oras para basahin sila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento