Sabado, Enero 4, 2014

Talaarawan: ika-19 ng Disyembre

                           Santa Claus, totoo ka ba?

source: http://crazy-frankenstein.com/christmas-santa-claus-wallpapers.html
       Ngayong araw ay umalis kami ni mama at pumunta sa Gate 2. Pumasok kami sa isang tindahan ng mga appliances. Doon nakakita ako ng costume ni Santa Claus.
       Sa mga napapanood kong cartoons at ilang pelikula, pinapakita dito na totoo at nabubuhay si Santa Claus at nakatira sa North Pole. Ang kanyang pisikal na katangian ,ayon pa rin sa mga napapanood ko ay mataba, malaki ang tiyan at may balbas. Nagbibigay siya ng mga regalo sa mga mabubuting bata , at hindi binibigyan ang masasama. Totoo nga ba si Santa Claus? Nabubuhay nga ba siya hanggang sa ngayon? At naghahatid ng mga regalo tuwing pasko?
        Malamang karamihan sa atin ay naniwala rin minsan sa ating buhay kay Santa Claus. Hindi man natin alam kung sino ba talaga siya. Hindi man natin alam kung buhay pa ba talaga siya. Hayaan natin ang mga bata na maniwala at humanga sa kanya. Hayaan nating maniwala sila na ang pagpapakabait nila ay susuklian ng isang taong nagpapaka- Santa Claus!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento