
Ngayong araw ay naglaro kami ng aso kong si Oxnard. Sa sobrang tuwa ko
ay nakagawa ako ng tula.
Oxnard
Ang aso
kong si Oxnard ay napakakulit
Kapag
siya’y nagugutom at naiinip
Di ka
niya titigilan hanggang sa mapansin
Ang
kaniyang mga gusto at hinaing.
Ang aso
kong si Oxnard ay mabait din
Kapag
siya ay dudumi ay lalabas din
Siya ay
mabango at malinis palagi
Kaya’t
katabi sa pagtulog sa gabi.
Ang aso
kong si Oxnard ay ang aming bantay
Sa umaga
at sa gabi ng aming bahay
Hindi
niya hinahayaang pumasok ang iba
Ngunit
hihinahon din pag nasabihan na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento