| Source: http://adrepublika.deviantart.com/art/The-Precious-Sampaguita-Vendor-49883538 |
Natatandaan ko pa, kasabayan ko siyang magtapos sa PES, tandang-tanda ko siya dail siya ang hinahangaan kong estudyante noong elementarya ako. Tumpulan kasi siya ng tukso dahil hindi siya matangkad ngunit hindi siya nagpatalo at itinuloy ang pag-aaral at nagtapos ng elementarya.
Habang tinutulak ako palabas ng mga tao sa simbahan ay patuloy naman ang habol ng tingin ko sa kanya, hanggang sa matakpan na siya ng mga tao. Gusto ko pa sana siyang makausap at tanungin kung saan siya nag-aaral ngunit di pumayag ang sitwasyon. Saan kaya siya nag-aaral? O, Nag-aaral pa kaya siya? Sana, nag-aaral pa siya at sana hindi siya nagpatalo sa mapanghusgang mundo.
Bilib talaga ako sa kanya, dahil ngayon nagtatrabaho siya kahit may kakaibang katangian hindi tulad ng iba na matangkad ngunit hindi ginagamit sa pagtulong sa kanilang mga magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento