Huwebes, Enero 2, 2014

Talaarawan: ika-9 ng Disyembre; 2013

                  Mana
      Ngayong araw , sa oras ng asignaturang Filipino ay may napansin akong parirala: Nakita niya ang kanyang sariling kamukha ng kanyang ama. Ito ay bahagi sa kwentong Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz.
       Sa mga Pilipino kapansin-pansin ang ating kinagawian na pagmamana ng kung anu-ano sa ating mga anak. Ang pagmamana ayon sa agham ay totoong nangyayari pagdating sa mga anak at magulang , ngunit ito'y pagdating sa katawan, hilig at ugali lamang. Sa kulturang Pilipino kapansin-pansin ito sa pagmamana ng negosyo,bagay na mahalaga at maging ang mga trabaho natin ay namamana din ng mga anak natin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento