Masisipag ba sila?
Ngayong araw, habang nagbabantay ako ng tindahan namin ay may napansin akong pila-pila at maliliit na... langgam! Wala sigurong lumaking Pinoy na hindi alam ang kwento ni Tipaklong at Langgam.
Sa pabulang ito , kapansin-pansin na ang bidang langgam aykinakikitaan ng kasipagan samantalang ang tipaklong naman ay kabaligtaran. Masisispag nga ba talaga sila? O baka naman takot lang silang mawalan ng pagkain? Ano ng ba ang kahulugan ng masipag? Ito ba ang nararapat na ilarawan sa kanila?
Ang mga langgam ay natural na maghahanap ng pagkain, parang tao kailangan nila ito para mabuhay.Ang pagiging masipag ay nangangahulugang patuloy na paggawa ng mga gawain ng hindi nagrereklamo.Alam ba natin kung nagrereklamo sila o hindi? Uulitin ko masisipag ba sila? Para sa mga langgam ang pag-iimbak ay napakahalaga pagdating ng panahon ng tag-ulan. Madalas natin silang makita na pila-pilang may dalng mga mumo ng pagkain.
mas maganda sigurong sabihin na msinop, laging handa at may disiplina sila. Ang kasipagan ay isang maalim na salita na nangangailangan ng malalim na batayan bago maibigay na paglalarawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento