Miyerkules, Enero 8, 2014

Talaarawan: ika-22 ng Disyembre; 2013

                         Impluwensya
      Ngayong araw makailang ulit kong narinig ang salitang impluwensya. Habang nanood ako ng isang dokumentaryo sa isang istasyon sa telebisyon ay ilang beses binanggit ang pahayag na" baka naimpluwensiyahan lang". Naniniwala ka ba sa impluwensya. Totoo ba na dahil dito kaya tayo ganito ngayon?
       Kung ako ang sasagot ng mga tanong na iyan ang sagot ko ay hindi ako naniniwala at hindi ito totoo." Kung ano ka ngayon ay iyong desisyon at kung bakit ka ganyan ngayon ay pinili mo ito"- yan ang palaging ibinabahagi ko sa aking mga kaibigan.
       Naiinis ako sa mga drug addict at mga kabataang napapariwara ang buhay at ang tanging sinisisi ay ang kanilang mga kaibigan na nang-impluwensya daw sa kanila. Hinidi ba't kung sa simula pa lang ay iniwasan na nila ang mga kaibigan nila ay hindi na sana sila nagkaganoon.Hindi ba't kung sa simula pa lang ay nagdesisyon na silang wag tumikim ng kung anu-ano ay hindi sana sila umabot sa ganoong sitwasyon.
       Naniniwala ako sa sinabi ng isang stargazer na mayroon tayong freewill at gamitin natin ito. Lahat tayo ay may sariling kakayahan na pumili at magdesisyon para sa ating sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento