Huwebes, Enero 2, 2014

Talaarawan: ika- 13 ng Disyembre; 2013


                                       Friday the 13th 
    Ngayong araw ay Biyernes at 13th day ng buwan ng Disyembre. Matandang paniniwala na malas ang numerong 13 at mas malas daw kapag tumapat ito sa araw ng Biyernes.Aniya ng nanay ko malas daw ang araw kapag Friday the 13th.Pero sa awa ng Diyos wala namang nangyaring masama sa araw na ito.
    Hindi ko alam kung saan nanggaling ang paniniwalang iyon, pero kung ako ang tatanungin kung naniniwala ba ako, hindi siguro.Nasa sa atin naman kung gusto nating maging maganda ang araw-araw nating pamumuhay.Pinili mo rin naman kung bakit naging masama ang araw mo.
    Naniniwala ako na ang buhay ay walang malas o swerte, nasa iyo yun kung gusto mong maging swerte o maganda ang buhay at araw. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento