Huwebes, Enero 2, 2014

Talaarawan: ika-12 ng Disyembre; 2013

Pinagkuhanan: http://accionesdebolsa.com/valores-basura-en-indice-basura-peores-valores.html/bas-2

                                                 Basura
              Nagyong araw habnag nagbabantay ako ng tindahan namin ay naisipan kong lumabas at umupo sa may harapan ng bahay namin. Hindi pa nag-iinit ang puwit ko ay may narinig na akong talimsik ng tubig galing sa kanal na malapit sa amin. Aba! may nagtapon na naman ng basura , nakakainis talaga! Ang tao talaga pag bawal saka ginagawa. Matagal na ngang pinagbabawal ng Barangay sa amin ang pagtatapon doon , pero patuloy pa rin ang iba.
              Sabi sa pag-aaral, ang tao daw ang pinakamatalinong nilalang sa mundo dahil alam daw natin ang tam at mali. Totoo ba ito? Totoo ba na matalino tayo? Tayong lahat? Hindi ata e, pili lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento