Martes, Hulyo 1, 2014

Magulong pakiramdam

Magulong pakiramdam
                May mga pagkakataon na masaya tayo, at syempre meron din namang nagiging malungkot tayo. Nandyan pa ang kinakabahan; nahihiya; nahihilo; nababagot at kung ano-anu pa ang nararamdaman natin. Pero naranasan niyo na ba yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag? Kumbaga sa math hindi mo makuha yung value ng x. Hindi mo maintindihan kung ano talaga ang nararamdaman mo , pinagsasama na lahat ng pwede mong maramdaman?
                Ngayon, nangyari sakin yan. Ay! Patuloy pa palang nangyayari! Hindi ko maipaliwang kung naiinis ba ako o natutuwa sa mga nangyayari.  Noong umaga ay hindi ko maintindihan kung bakit tila kami lang dalawa ang magkausap. Ako lang ang napipili niyang tawagin at sumagot. Hindi ako nagagalit ni naiinis bagkus ay natutuwa pa nga. Pero sa kabilang parte ng pagkatao ko ay nagtataka kung bakit sa loob ng mga panahong iyon ay nangyari ang mga ganoon.
                Noong oras na ng numero ay nagtaas naman ako para sumagot dahil sa alam ko naman talaga ang sagot. Pumunta sa harapan at nagpaliwanag, ngunit hindi nagustuhan ng aming guro ang paraan ng pagpapaliwanag ko at tinuro sa akin ang tama at maayos na pagpapaliwanag. Hindi ako kinabahan  o nahiya sa kadahilang tinanggap ko agad na nagkamali ako at natuto na. Ngunit parang pilit isinisiksik sakin ng mga kamag-aral ko na dapat akong magalit sa aming guro na mariin kong tinutulan.

                Ngayon, habang sinusulat ko ito ay hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may mali na dapat kong ayusin . Hindi ko nga lang alam kung ano at kung paano?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento