Nabasa ko ito sa libro ni Marlene Legaspi-Munar na Add mo'ko as Friend Your link to real relationships.
Binanggit sa libro ang kwento nila Jonathan at David at dito niya binanggit ang mga qualities ng isang true friend.
1. A true friend accepts you for who you are
2. A true friend recognizes and celebrates your gifts
3. A true friend gives
4. A true friend protects and
5. A true friend appreciates
Mga sey sa buhay ng may akda; at mga karanasang hindi man lahat kapupulutan ng aral pero kaaaliwan.Paalala: Ang blog na ito ay bukas sa mga komento papuri man o hindi. Ang mga komento ninyo ay makakatulong sa pagpapa-unlad ng pagsusulat ng may akda.
Miyerkules, Hunyo 11, 2014
Martes, Hunyo 3, 2014
UAP: Unang Araw ng Pasukan
UAP: Unang
Araw ng Pasukan
Karen!!!! Nagulat ako sa pagsigaw ni ate. Agad-agad akong bumaba at
sobrang gulo pa ng buhok ko. Akala ko naman late na ako sa oras ng pasok ko .
Sus! 7:10 pa lang! Mamaya pang 10:00 ang pasok ko! Si ate talaga mas excited pa
sakin. Pero wala na akong nagawa kaya nag-almusal na ako.
Wow!! suot-suot ko na
ulit ang school uniform ko. Parang sarcastic
ang dating. Haha. Sige na nga … hindi ako gaanong excited, bitin kasi ang
bakasyon. 9:30 na pala, papasok na ako. Ang bigat ng bag ko kahit wala pang
libro. Buti na lang at may tricycle
papaakyat sa school namin.
May konting kaba dahil bago ang mga teachers
pero ng malaman ko na ang adviser namin ay teacher namin nung first year ay may
konting relieve. Haha. Tapos yung mga classmate ko pareho lang, may ilang
nadagdag lang. tapos 50 lang kami. Ang saya.
Bago kami nagsimula ay
pinalabas muna kami. Naku! Orientation na naman! Ang init-init e. Pero sige
kailangan makinig e. Nang matapos na ay dumiretso kami agad sa room namin
atsaka kinuha ang sizes namin para sa ipamimigay na bagong uniform.
Grabe! Kahit konti lang kami ay tila kulang
ang 5 oras para sa pagkukwento sa mga pangyayaring sa nagdaang bakasyon. At ang
bago naming adviser ay tila nabinyagan ng kaingayan namin. Pero ang pagtahimik
niya ay tila senyales na kailangan na naming tumahimik.
At ang buong talakayan namin ay naging magaan
dahil na rin sa aming guro.
Alam ko, may iba’t iba tayong karanasan sa
unang araw ng pasukan; may nagiging maganda at may ilang epic ang kinakalabasan.
Pero iisa tayong may kagustuhang maging maganda ang buong taon ng ating
pag-aaral at matapos na may natutunan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)