Linggo, Disyembre 1, 2013

talaarawan

TALAARAWAN: ika-24 ng Oktubre
         Ngayong araw ay nagtaka kaming lahat dahil ang guro namin sa asignaturang T.L.E. ay pumasok sa oras ng aming Filipino . Ipinaliwanag sa amin na nagpalit lamang ng oras sila ngayong araw . Pagkatapos ng asignaturang T.L.E ay asignaturang Filipino na. Sa oras na ito tinalakay namin ang dalawang tauhan sa Noli Me Tangere- sina Crisostomo Ibarra at Elias. Dahil sa napansin ng aming guro na nagtatalo ang ilan sa aking mga kamag-aral tungkol sa katapusan ng Noli Me Tangere ay ikinuwento niya ito sa amin. Dahil dito ay nawalan kami ng sapat na oras para magawa ang aming gawain kung kaya't napagpasyahan ng amng guro na gawin na lamang itong takdang-aralin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento