Miyerkules, Enero 1, 2014

Talaarawan: ika- 7 ng Disyembre; 2013



               Ang Libro ng Buhay

    Ngayong araw ay pumunta kami ng kapatid ko sa Marikina Library. Madaming libro ang makikita roon. Pagpasok namin ay agad akong naghanap ng librong makakakuha ng atensyon ko - ito ang Drafting volume 1 & 2.Habnag nagbabasa ako may naisip ako, madalas sabihin sa atin ng mga guro na ang pagbabasa ay mahalaga.
     Libro ang instrumento upang tayo ay matuto at makadiskubre ng mga bagay-bagay at maisabuhay sa tunay na sitwasyon. Ang kaunting oras ay hindi sapat upang matapos ko ang lahat ng librong gusto kong basahin.Lubos ang aking pasasalamat dahil isinaman ako ng aking kapatid.
    Nawa'y ang mga librong ating natatanggap sa bawat simula ng taon ng ating pag-aaral ay mabasa natin. Dahil ang pagbabasa ay makakatulong sa atin upang malagpasan ang lebel ng kamangmangan.

pinagkuhanan ng larawan : http://arvin95.blogspot.com/2012/03/libro.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento