TALAARAWAN: ika-14 ng Nobyembre
Ngayong araw ay tinalakay namin ang mga teoryang nakapaloob sa akda at ito ang Teoryang Naturalismo. Ito ang Nangingibabaw nateorya dahil ipinakita ng akda ang hindi magandang kapaligiran kung saan namuhay si Adong (pangunhaing tauhan sa akda). Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain.
Ang katapusan ng akda ay hindi naging malinaw, dahil na rin kulang sa oras ay ginawa na lang ng aming guro na takdang aralin na alamin namin ang tunay na naging katapusan ng akda . Naiwan sa amin ang katanungan kung nahimatay ba o tuluyang namatay ang pangunahing tauhang si Adong?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento