
5
Dahilan Kung Bakit Dapat Tayong Umiyak
Ngayong araw ay umiyak ako,
bakit?... Sikret.!Naisip ko tuloy ang isa sa mga nabasa ko. Ayon sa pag-aaral,
ang mga kalalakihan ay mas maraming kaso ng heart
attack kaysa sa mga kababaihan . Bakit? Dahil ang mga kalalakihan ay hindi
mahilig umiyak dahil nakakabawas kuno ng pagkalalaki nila. Hindi rin sila
mahilig maglabas ng kanilang nararamdaman lalo na kung ito’y kalungkutan,
kumpara sa mga kababaihan . Narito ang limang mabuting dulot ng Pag-iyak.
1.Kapag umiiyak
tayo ay makakaiwas tayo sa heart attack.
2. Kapag umiiyak
tayo ay malalaman ng tao ang ating tunay na saloobin at nararamdaman.
3 Kapag umiyak tayo
ay masasabing normal tayo, dahil taglay natin ang emosyong nakakapagpatangi sa
atin sa ibang organismo.
4. Kapag umiiyak ka
ay magiging matapang ang tingin sa iyo ng iba (para sa mga kalalakihan), dahil
ang tunay na lalaki ay kayang umiyak sa harap ng maraming tao.
5.Kapag umiiyak
tayo ay nailalabas natin ang mga toxic
sa ating katawan. Healthy na ang heart, healthy pa ang living, kaya iyak-iyak din.
pinagkuhanan ng larawan: http://64.19.142.13/media.tumblr.com/tumblr_llpbkz7tp11qe5nl9.gif
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento