Naging abala ang maghapon namin. Oras na ng pagpunta ng aking nanay sa palengke doon sa bayan. Niyaya niya akong sumama. Kakaiba, dahil ito ang unang beses na isama niya ako. Ordinaryo lang ang bihis niya, nakapusod ang buhok at dala ang luma niyang kalupi. Dumiretso kami sa tindahan ng mga isda at gulay.
"Magkakano ang kalahati niyan"?, tanong niya sa matandang lalaki na halatang pagod na sa kanyang trabaho. Tantsa ko'y nasa lagpas otsenta na. "35 ang kalahati ng galunggong na iyan", sagot ng matanda. "Sige po, kalahati." Binili na niya ang kalahating kilo ng galunggong. Pagkatapos ay naglakad na kami pauwi. Hindi pa nakakaisandaang hakbang ay huminto kami. May nakalimutan na naman siya. "Mag-intay ka dito at bibili muna ako ng bigas".
Iniwan niya ako sa napakaraming tao. Nagsisiksikan hanggang sa napunta ako tabi ng kalsada. Kung saan mas mataas ako sa kanila, nakatungtong ako sa sementong nagtataas sa akin para makita ko rin ang aking nanay. Pinagmasdan ko ang mga tao. Kung paano sila maglakad at huminto, bumili at makipagtawaran sa mga nagtitina. Pero isang tao ang umagaw ng pansin sa akin. Nasa kabilang gilid siya ng kalsada, halos katapat ko lang. Isa siyang tulad ko, babae, nakapusod ang buhok, ordinaryo ang bihis, at mas matangkad nang bahagya sa akin.. Matanda lang siguro siya sa akin ng isa o dalawang taon. Isang basket ang nasa harapan niya. Nakapatong sa ibabaw noon ang isang bilao na may mga tinapa. Malikot ang kanyang mga mata, tinitingnan niya ang bawat dumadaan. Kakaiba siya bilang isang tindera. Hindi siya sumisigaw ng "bili po kayo". Nagkakapagtaka.
"Halika na! Saan ka ba nagpunta at kanina pa kita hinahanap!" bulalas ng aking ina. Matagal na pala akong nakatitig sa babaeng 'yon. Naglakad na kami pauwi. Nagmamadali siya. Alam kong galit siya, pero parang mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Halata ang pamumutla ng kaniyang mga labi.
"Gaano ba ako katagal na nakatitig sa babaeng iyon?" pabulong kong natanong sa aking sarili. Nagtataka ako sa kilos ng aking ina., hanggang sa makarating na kami sa mumunting kubong higit na mas malayo sa iba pang kapitbahay.
Dalawa lang kami ng aking ina sa kubong iyon. Maliit at kahit ang pinakamahinang bagyo ay kayang patumbahin. Kaya't laking pasalamat ko at hindi pa dumadating ang bagyo ngayong buwan, kakagawa lang kasi namin ng nasira naming bubong buhat ng bagyo noong nakaraan. Wala kaming ibang gamit maliban sa isang maliit na karteng pinagsasaluhan namin ni ina. At ang ilang kagamitang pangkusina.
Nakatulala na naman siya. Nandoon at nakadungaw sa bintana. "Nasaan ang bigas na sinabi niyang bibilhin niya?" nabulong ko na naman sa aking sarili. Ni binili niyang galunggong ay wala rin. Mukhang ang yaman na iyon ay nawala o baka naman naiwan niya.
Magpipitong taong gulang na ako sa susunod na buwan, di lang tiyak sa akin ang eksaktong araw. Lumaki akong walang lalaki sa bahay. Hindi ko nakita ni anino ng aking tatay.At ni minsan di ko man lang naitannong kay ina ang mga bagay na iyon. Hindi ako nag-aaral, pero mahilig akong magbasa dahil tinuruan naman ako ni ina noong hindi pa siya ganyan kumilos. Tumutunog na ang gitnang bahagi ng aking katawan, nagwawala na ang mga maliliit na naninirahan sa bahagi na aking tiyan. Hanggang kailan kaya siya magiging ganyan? Mukhang matutulog na naman ako ng walang laman ang tiyan. Lumakas ang simoy ng hangin. Lumalamig na ang hanging dumadampi sa kanilang balat. 'Di namalayan ng bata na nakatulog na pala siya. Doon sa gilid ng kanilang katre. Maya-maya natauhan na ang ina. Inihiga niya ang bata sa kanilang katre. Hinintay na niya ang pagsilay ng liwanag. Hindi siya natulog at binantayan lamang ang kanyang anak.
Rinig na ang tilaok ng mga manok na halatang malayo sa kanila ang kinalalagyan. Tumapat sa mga mata ng bata ang sinag ng liwanag. Iyon ang nagpagising sa kaniya. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Anino ng isang taong may maikling buhok na matangkad at anino ng kaniyang ina. Nasa labas sila ng kubo. Malakas ang boses ng kaniyang ina at nakakatakot ang boses ng isang anino.
"Bakit ba sinama mo pa dito ang batang iyan!" Pabulyaw na sabi ng aking ina. Nagtaka ako kung sino ang batang tinutukoy ng galit na boses ni ina. Pinilit kong masilip sa mas mataas na bintana ang mga taong kinakausap ni ina. Nagulat ang bata sa nakita niya na. Ang batang tinutukoy ng kaniyang ina ay siyang babaeng nakaagaw sa kaniyang pansin sa palengke. At ang lalaking kauna-unahang pumunta sa aming kubo ay kahawig ng aking mata. At tila biglang nilamon ng lupa ang bata nang mapagtagpi-tagpi niya ang noo'y hiwa-hiwalay na pangyayari sa kanilang buhay.